Procrastination At Its Finest

Bukas tayo gagawa kung bukas pa ipapasa. Ang pagpapaliban o "procrastination" ay ang pagkilos na nahuhuli o pag-aantala sa paggawa ng isang bagay. Hindi na naman bago sa atin ang pagpapaliban ng mga gawain, kasi sa panahon natin ngayon, mas nauna pa nating asikasuhin ang buhay natin sa social media kaysa sa totoong buhay natin; na maraming gawain. Umiiwas tayo sa mga tungkulin at responsibilidad sa kadahilanang ayaw nating mahirapan. Pero ano ang saysay ng buhay kung hindi ka dadanas ng kahirapan? Tao nga naman.

Bilang isang estudyante at milinyal, aaminin ko na marami akong pinagpapaliban na gawain lalo na ang gawain sa paaralan. Kapag sinabing takdang-aralin, ginagawa nalang sa eskwelahan kasi tamad sa bahay. Kapag tagubiling-sulatin naman ng guro, ginagawa sa bahay at ipagpapaliban sa klase kasi mas importante pa ang rank nila sa ML kaysa sa ranggo ng mga grado nila sa klase. Takot bumagsak, pero parang nakakapagod naman matakot.

Mga estudyante ngayon, mas pinipili pa ang paglalakwatsa kaysa sa gawin ang mga proyekto at activities sa paaralan. Kung hindi siguro importante ang pag-aaral, mabibilang mo nalang siguro sa iyong mga kamay ang mga batang pumapasok sa paaralan kasi karamihan sa kanila tinatamad.

Sa paaralan lang ang mga halimbawang iyan. Paano nalang kaya sa bahay? Sa tuwing may pinapautos, ano ang palaging sagot? Mamay na.

Manyana habit kung tawagin, ang isang ugali ng tao na king saan pinagpapalipas ang mga gawain. Ang dahilan? Katamaran. Ito ang puno't dulo ng ating pagliliban o procrastination. Dahil mas magaan na gawain ang mag facebook kaysa sa paggawa ng takdang aralin at maghugas ng pinggan, kaya naman napaglilibanan nalang natin ng panahon ang mga bagay na mas nangangailangan ng atensyon natin.

Dahil sa patuloy ng pag-usbong ng teknolohiya natin ngayon, nalilimutan na nating pahalagahan ang mga gawain kaya naman nating tapusin kahit wala ang tulong ng mga gadgets. Nag-dedepende nalang kasi tayo ngayon sa produkto ng teknolohiya na nagiging tamad na tayo.

Pero hindi sa lahat ng panahon, ay masamang gawain ang pagpapaliban. May mga sapat tayong rason at dahilan kung bakit natin ito ginagawa. Subalit kapag ikaw ay sumobra na sa katamaran na halos wala ka ng magawa kun'di ang matulog at kumain lang ay hindi na pwede 'yun.

Galaw-galaw naman kapag may panahon kasi walang naidudulot na kabutihan ang palaging nagpapaliban sa mga gawain. Gawin mo kung ano ang sa tingin mo ang kaya mong gawin ngayon, huwag mong hihintayin ang pagsisisi na mismo ang kakatok pa sa pintuan niyo dahil nahuli ka na ng gawin mo ito.

Comments

Popular Posts