So...Umm...Like...Ah
So...Umm...Like...Ah...
Pamilyar ba sa inyo ang mga iyan? Kadalasang naririnig sa mga kaklase sa tuwing nag-uulat na kinakabahan kasi napilitan lang, para raw sa grado. Ito ay mga katagang nakasanayan ng banggitin ng mga kaklase tila ba nangangatog ang mga tuhod dahil sa kaba na ang mga nasasambit na salita kapag wala ng magdagdag sa kanilang eksplenasyon ay (so...Umm...like...ah...). Ito ay mga kataga na nagpapaasa sa mga kaklase mong nakikinig, kung may sasabihin ka pa ba o may idadagdag ka pa ba? Na animo'y parang isang pelikula na may thrill at climax kung saan sasabihin na ng lalaki ang kanyang tunay na nararamdaman sa babae.
Iyon bang sa tuwing may pag-uulat kayo, may pasuspense kang binibigay sa mga kaklase mo, na para bang may larong hulaan kung anong susunod na salita. Hindi mo maiiwasan na kabahan pa lalo kung ang guro mo na ang titingin sa iyo na para bang pumupuna kung ang mga susunod na salitang isasambit sa iyong labi ay tama at sakto. Tapos ikaw na naiiyak na dahil sa nerbyos ay palunok-lunok nalang at iwas-iwas agad sa tingin ng guro.
Ramdam niyo ba ang ipinaaabot ko rito? Kaakibat ng so,uhm,like at ah ang mga pagpapawis, tingin-tingin sa taas na kilos, hindi mapakaling mga kamay at paa tapos takot na tanaw sa guro niyong naghihintay kung tatapusin mo pa ba ang pag-uulat niyo. Nakakanerbyos kaya kung ikaw na ang nasa harapan tapos mga mata ng kaklase mong tila nanlilisik dahil naghihintay na naman sila sa mga salitang sasambitin mo.
So...Uhm...Like...Ah
Hindi mo ito mapipigilan, puwera nalang kung magaling ka talaga sa pakikipagtalastasan sa harap ng masa. Kami nga, na kaklase lang at guro namin ang kaharap namin, nanginginig pa kami, ano nalang kaya kung napakaraming tao ang haharapin namin. Hindi naman masama ang paggamit nito, kaso nga lang, walang mangyayaring pagbabago sa iyong kumpyansa sa sarili kung gagamitin mo parin ang mga salitang ito. Dahan-dahan at pa unti-unti ang pagbabago dahil hindi naman biglaan ang pagkatuto mong mabuo ang pagka palalo kaya naman with practice makes it perfect.
Comments
Post a Comment