Sana all at Beke Nemen
Ang mga salitang "sana" at "all" ay nanggaling sa magkaibang wika na Filipino at Ingles. Ito ay binuo at pinasikat ng mga millenials sa social media na ngayon ay patok at biling-bili na salita sa masa. Ang salitang sana all ay isang ekspresyon o komento ng isang tao na nagpapahayag ng pagkainggit. Ginagamit ito upang hilingin ang tagumpay o swerte ng isang indibidwal na kumalat sa ibang tao. Karamihan sa mga nagkokomento ng sana all ay ang mga taong gusto na ng nobyo/nobya, tapos yung iba trip lang talaga nila.
Ang salitang "beke" at "nemen" ay mga salitang gamit ng mga pabebe sa crush nila. Ang orihinal nito ay baka naman na nangangahulugang marahil kaya, kung sakali o maari kayang. Ang beke nemen ay isa ring ekspresyon na nagpapaabot ng ideyang "baka gusto mo".
Maraming mga pwedeng paggamitan ang salitang sana all at beke nemen. Marami rin itong mga kahulugan depende sa kung ano ang sitwasyon, katulad nalang ng mga sumusunod:
SANA ALL
-Nagpost sa twitter ang kanilang kaklase ng isang larawan na kasama ang kanyang nobyo. Kanilang ipinagdiriwang ang ika-apat nilang anibersaryo bilang magjowa at sa larawan ay makikita mong napakasweet nila sa isa't isa.
Ikaw *na single*: Sana all.
Kahulugan:
1. Sana all may nobyo.
2. Sana all in a relationship.
3. Sana all anniversary.
-Sa pagsakay mo ng dyip ay may nakatabi ka na isang grade-7 na studyante na nag-aaral lang sa inyong skwelahan. Ikaw ay nasa SeniorHigh na at isang grade-12 na studyante, hindi mo sinasadyang mapatingin sa may dibdib niya.
Ikaw *na flat*: Sana all
Kahulugan:
1. Sana all malaki.
2. Sana all bundok, hindi kapatagan.
3. Sana all hindi parang tabla.
4. Sana all grade-7 na mature.
-May kaklase kang araw-araw nalang ay nanglilibre sa inyo dahil marami siyang pera at wala siyang wallet, rich kid kasi.
Ikaw na kaklase niyang *pabigat na nagpapalibre lang at nakikidagdag sa kanyang mga gastusin*: Sana all.
Kahulugan:
1. Sana all maraming pera.
2. Sana all nanglilibre.
3. Sana all mayaman.
4. Sana all walang wallet na paglalagyan ng pera.
BEKE NEMEN
-May pag-uulat sa inyong klase at kailangan na pares ang representante ng kada grupo na mag-uulat ng inyong takda. Kagrupo kayo ng crush mo.
Ikaw *na marupok*: Crush, beke nemen.
Kahulugan:
1. Beke nemen gusto mong tayo nalang ang mag-ulat ng takda.
2. Beke nemen gusto mo tayo nalang.
-Gusto mo ng umuwi pero nasa isang diskusyon pa kayo sa klase. Pagkaraan ng ilang minuto ay narinig mo na ang ingay ng bell na hudyat na ng dismissal ng mga klase sa inyong paaralan. Ngunit nakita mong lumagpas na sa takdang oras ng pagkaklase ang inyong guro at patuloy parin syang nagkaklase sa inyo. Gustong gusto mo na talagang umuwi sa mga oras na iyon.
Ikaw: Maam, beke nemen.
Kahulugan:
1. Beke nemen gusto mo ng tapusin ang klase maam.
2. Beke nemen gusto mo na kaming palabasin.
3. Beke nemen gusto mong bumili kami ng hearing aid para sayo maam.
Mga salitang millenial na ginagamit narin ngayon ng mga magulang natin at kahit mga lola at lola natin. Dahil sa kadahilanang ito ay nagbibigay aliw at tuwa sa atin sa tuwing ito ang mga salitang ating binabanggit. Aliw at tuwa na kahit biro lang ay may kahulugan at ideya na naipaparating nito sa kusap at sa madla (ang lalim ng tagalog ko, pagpasensyahan niyo na).

Comments
Post a Comment