SURVIVING STEM

STEM. Hindi makakayanang absenan ang strand na ito. Pero kung matapang ka, walang pumipigil sa'yo. Hindi ka makaka-procrastinate sa strand na ito kasi ang mga proyekto, aralin at tagubiling sulatin ng mga guro ay palaging nagbabaha. Pero kung kamag-anak mo si Jose Rizal, walang problema 'yan sa iyo. Hindi pwedeng wala kang alalahanisa mathematics at science dahil sila ang mga pangunahing asignatura na nakapaloob sa strand na ito. Mga halimbawa lamang ang mga ito sa napakaraming bawal at hindi pwedeng gawin sa ilalim ng strand na STEM.

Pero bilang isang estudyante na nag-aaral sa strand na STEM, may mga paraan upang ikaw ay maka lagpas sa mga dilema at suliranin na kaakibat ng pagiging isang STEM. Oo, mahirap. Pero magpapadala ka nalang ba sa mahigpit na sistema at hayaan ang iyong sarili na magkandakuba sa mga gawain?

1. Dapat marunong ka sa pagmamanage ng iyong oras.

Planuhin ang iyong mga gagawin; sa anong oras magtatrabaho ka sa nasabing atas o proyekto. Planuhin mo at sundin ito. Ang oras ay palaging tumatakbo, hindi ka na niyan hihintayin. Sa STEM maraming mga laboratory activities na pinapagawa kaya naman kailangan mong pangasiwaan ng maayos ang iyong iskedyul.

2. Maging alisto at masipag sa iyong klase.


Alam ko na minsan, kung pumasok tayo sa klase mga 4 lang ang oras ng tulog tapos 'yung iba mas malala kasi wala talagang tulog. Hindi mo maiiwasang makatulog sa klase dahil sa puyat, pero kailangan din nating alalahanin na nakasalalay ang ating mga marka sa kung ano ang pinapakita nating performance sa klase. Kaya GISING huwag kang magpapapetik-petiks, kasi walang maitutulong iyan sa pag-angat mo sa klase niyo. Palaging pansinin ang iyong guro kung ayaw mong mapetusan ka. Sa pakikinig, marami kang matututunan at sa pamamagitan nito madali mo lang maiintindihan ang iyong mga aralin.

3. Dapat mag-aral ka.


Oo, alam ko mahirap. Oo, tinatamad tayo. Pero kaya nga tayo pinapag-aral ng mga magulang natin diba, para makatuto. Kaya naman MAG-ARAL ka, totoy. Ang pagbabasa ay isang mainam na paraan ng pag-aaral. Sa tuwing may diskusyon kayo patungkol sa nabasa mo, makakaalala ka rin sa mga paksang nabasa mo sa libro. Kung may oras ka, mag aral ka. Makakatulong ito sa iyo upang maunawaan mo ng higit ang isang aralin.

4. HUWAG KANG MAGPROCRASTINATE.


Nagtataka kayo kung bakit ko inilagay ang paraang ito, kung alam niyo naman na ito ang pinakaunang hindi niyo susundin. Parehas lang tayo, palagi rin akong nagpoprocrastinate NOON, noon 'yun. Minsan nalang ngayon. Ang pag-aaral nang hindi nagpupumilit sa pag-iisip na sa loob ng isang oras ay ang pagpasa ng mga takdang aralin o proyekto ay hindi gaanong abala. Pero kailang din na magtrabaho at mag-aral ka habang mayroon ka pa ring oras upang maibigay ang iyong pinakamahusay sa ito.

5. Huwag mong hayaan na maging stress ka palagi.


Paano nalang ang pagpapapansin kay crush kung ang lamya ang ang tamlay mo. Kung stress ka sa mga takdang-aralin at proyekto, huwag mong ipapahalata masyado kasi sino ba namang gustong malait dahil wala kang tulog sa loob ng isang linggo, diba?

Kaya naman pahinga rin pag may time. Oo mayroon talagang pressure pag nag STEM ka hindi natin yan maiiwasan pero huwag mong hahayaang pumasok 'yan sa utak niyo at guluhin ang konsentrasyon mo sa isang bagay. Hayaan mong mastress sa iyo ang stress, aalis rin 'yan.

6. Humingi ka ng tulong.


Kung ikaw ang pinaka matalinong estudyante sa inyo, huwag kang mapride. Wala kang maabot niyang pride mo, kung sa iyo hihingi ako ng tulong para mas madaling matapos ang ginagawa ko. Huwag na huwag mag-alinlangan na humingi ng tulog dahil ito ang nakakapag-pagaan ng isang gawain, lalo na king si crush pinaghihingian mo. Kung meron kang hindi mo naiintindihan sa sa aralin mo, humingi ka ng tulog sa iyong mga kaklase pero mas maigi kung sa teacher para makapagbigay pa siya ng dagdag na kaalaman tungkol sa aralin na ikaw ay nahihirapan.

Sabi ko lang kanina na hindi madali ang pagiging isang STEM. Magiging single ka buong buhay mo dahil sa napakaraming gawain sa skwelahan (hindi biro lang). Kung may iba kapang gustong idagdag para mas maigi ang iyong pag-aaral sa ilalim mg strand na STEM. Laban lang sa araw-araw.

Comments

Popular Posts