Adik Sa'yo, Adik sa Media

Entry # 8

Social Media.

Matanong lang kita, adik ka na ba? Adik ba ako? Adik ba tayo? Hindi, dapat adik lang walang tayo. Adik ka na ba sa social media?

Araw-araw nakababad ang nga mata mo sa malapad (parang noo mo) na screen ng iyong cellphone. Mula sa pagising sa umaga, anong una mong hinahanap? (ang halaga ko sa kanya) Hoy marupok, ang CELLPHONE.

Cellphone ang una nating kinakapkap sa giliran ng ating kama para ma-check kung ilang 'haha' na ba ang nakuha ng memes na pinost natin madaling-araw palang o kung nag-chat back ba si crush sa baduy na banat mo kagabi sa convo niyo.

Dala-dala natin araw-araw ang gadyet na ito at palagi natin itong ginagamit dahil sa mga naitutulong nito sa ating mga gawain PERO, sabi nga nila na ang lahat ng sobra ay bawal at mali na. Kung sa tingin mo ay sumusobra na ang paggamit mo ng iyong cellphone, KAIBIGAN HINAY-HINAY naman.

Mahirap na kung bitawan kapag nasimulan mo ng gamitin ang cellphone. Kapag kakain ka, bago matulog pero ang totoo magpupuyat ka pa talaga, kapag awkward ka at may trust issues at hindi ka marunong makipag-usap sa mga tao lalo na 'yung mga taong nasa Frontrow kaya naman ang ginagawa mo pasulyap-sulyap at scroll-scoll sa cellphone para may magawa pero ang totoo wala pala kasi wala kang social skills dahil sa kaka-social media mo.

KAYA NAMAN mga kaibigan huwag tayong palaging social media at cellphone nalang dahil ang oras ay hindi maghihintay ng senyas mula sa iyo upang timakbo at lalong hindi iyan hihinto kung uutusan mo ito. Minsan hindi na natin namamalayan ang takbo ng panahon dahil sa nakatuon ang lahat ng atensyon natin sa mga bagay na dapat hindi naman talaga pina-prioritize KASI ang mga bagay na mas dapat mong pahalagahan ay ang iyong;

PAMILYA. Sila ang mga taong maihahalintulad mo sa bahay na siyang inuuwian mo, na kung saan komportable ka dahil napapaligiran ka ng mga taong nagmamahal sa iyo (except sa kanya kasi bahay diba, alangan namang nakatira kayo sa iisang bubong ng crush mo).

MGA KAIBIGAN. Mga taong sasabay at sasabay sa katopak mo, pagiging-attitude mo, pagka-kalog mo kasi sila ang pangalawang lipon ng mga taong maituturing mong parte na ng pamilya.

PANGINOON. Kaibigan, kilala mo ba siya? Alam ko na kilala mo ang idolo at bayani ng lahat. Utang natin ang ating nga buhay sa kaniya kaya naman kailangan nating paglaanan ng panahon ang pakikipag-usap natin sa Panginoon.

MGA PUSA AT ASO. Sila lang ang mga nakakaalam sa baliw mo na sariling nakikipag-usap sa mga hayop. Huwag 'yung palagi ka nalang sa messenger para makahanap ng ka-chat para may maka-usap. Hindi man sila nakakaintindi sa ating mga drama at pagka-emo, makasisiguro tayo na walang makakasumbong sa kahit na kung sino ang nagawa naming kahihiyan na palaging umiiyak.

Marami pa iyan sila, nasa isang mataas na listahan ang mga pangalang nagmamahal sa iyo kaya naman SILA ANG MAS bigyan mo ng importansya at kahalagahan.

Dahil sila ang mga taong bigay sa atin nang tunay na kahit hindi natin hinihingi. Kusa lang silang dumating at ang ginagawa sa mga taong ito ay minamahal, pina-prioritize at inaalagaan.

Hindi bawal na agad ang paggamit ng social medio pero dapat nating PALAGING TANDAAN na ligtas ang... hindi biro lang, na dapat marunong kang ayusin at ihiwalay ang mga kailangan at gusto mo lang.

Bigyan mo ng halaga ang mga bagay na mahalaga sa iyo at iwanan na muna ang mga gusto mo dahil hindi pa sila importante ngayon sa buhay mo (pero paano kinh si crush na? Hindi ko siya kayang bitawan).

Hindi sa lahat ng panahon ay kailangan natin ang cellphone at ang social media. Huwag kang maaddict sa mga bagay na ito (except sa anime) dahil may mga bagay na pwede muna nating ipagsantabi para ikabubuti mg marami.

Comments

Popular Posts