TULOG.penge


Entry # 9

Ako po ay isang manunulat na magaaral, na nas STEM, na ate, na anak, na kaibigan, na kailangang kailangan ng mahabang tulog.

Nananawagan po ako sa kung sino man po ang may kakilala ng mga may-ari ng puting van, na nangingidnap pero kasi dahil trip-trip lang nilang manguha para manakot, yung ganun. Nakatira po pala ako sa Baranggay Libertad, Butuan City. Kahit dalawang araw lang po, tapos pwede niyo na akong ibalik sa aminkasi kailangan ko po talaga ng tulog at pahinga na hindi na kailngan pang gumawa ng liham ng pagliban sa guro, kasi sayang lang ang tinta ng ballpen (tinatamad lang po talaga ako).

Hindi biro lang po. Hoy, huwang niiyong seseryosohin at gagayahin, ah. Gusto ko pang magpakasal kay crush. Marami pa akong plano at pangarap sa buhay, kaya huwag niyong totohanin 'yun sinabi ko, baka tinawagan niyo na ang mga mangingidnap.

Pero kasi, araw-araw nalang tig-dalawang oras lang ang tulog o kaya wala talagang tulog dahil sa sandamakmak mga gawain galing sa skwelahan, pero pumapasok ng maaga (matapang po akong tao). TAPOS may ugali pa ako na pingpapaliban ang mga gawain kaya naman pagdating ng dealine, nagka-cramming na kami (ay, ako lang pala). TAPOS hindi pa nga natatapos ang isang requirement, may kasunod na man ng bundok-bundok na assignments, projects at notes na kailangan pang pa-aralan. TAPOS, tapos ni isang gawain wala akong natapos.
Sabi nga nila, na magiging mahirap daw ang buhay, when life gets hard. Ito ang motto ko na pinagkukunan ko ng motibasyon tuwing papasok ako sa paaralan na parang zombie. PERO MAAYOS NAMAN DIN, kahit papaano. Baka magkasalubong kami ni crush sa hallway ng paaralan, mahirap na kung makita niyang parang may patay na naglalakad sa hallway namin.

Pagpasok ko sa classroom namin, parang kweba sa sobrang dilim ng paligid. Hindi pa kasi hinahatid nag keycard kaya nagtitiis nalang kami sa madilim na sild-aralan. Pero okay na din kasi kahit iba ang ibig sabihin 'nun, isa itong biyayang senyales para sa mga late na ang aga-aga para sa pangalawa niyong asignatura. Tapos kailan mo pag labanan ng buwis buhay ang tulog sa klase lalo na kung terror ang guro niyo. Sa buhay nating mag-aaral, hindi naman talaga natin maiiwasan ang mga panahong nakakatulog tayo. Sanhi ito ng pagpupuyat at at hindi pagtulog sa tamang oras ng pagtulog.

Narito pa ang iilan sa mga rason kung balit kulang sa tulog sa ang mga estudyante sa klase.

1. Nakababahala sa hindi tapos na gawain o trabaho sa paaralan (pagsususlit at takdang-aralin). Narabansan mo na bang kahit nagtambak ang mga gawai niyo ay mas pinili mo paring sa kama nalang dumiretso? 'Yung gusto mo ng matulog pero ginigising ka ng konsensya mo para gawin ang mga hindi mo pa tapos na trabaho.

2. Naglalaro ng video game sa huli ng gabi. ML players, labas dali. 'Yung mga manlalaro niyong klasmeyt na hanggan madaling araw na kung maglaro kasi may goal daw sila na mag rank-up sa laro, ang resulta, si Legend na player napunta na sa Epic pakatapos ng laro (iyak tayo dali). Nakakaadik daw kasi sabi nila kaya naman nagagwa nilang pagpuyatan ang paglalaro nito.

4. Online chat sa mga kaibigan (crush talaga 'yan). Ito talaga, eh. 'Yung di kayo nauubusan ng topic na pag-uusapan kasi siguro, matagal narin kayong hindi nagka-usap na mga kaklaseng ngayong lang nagkaroon komunikasyon sa isa't isa. Tapos meron pang si crush na gusto mong magdamag 24/7 kausap, tapos batuhan lang kayo ng mga corny na hugot sa isa't isa (sana all) hanggang sa hindi niyo namamalayan na madaling araw an pala (maharot kasi).

5. Nahihirapan sa pagtulog. May mga taong ganito talaga, na kung tawagin ay mga insomniac na mga tao. Sila ang mga may problema sa pagtulog dahil sa nahihirapan silang gawin ito. Kahit sleeping pills, mahina ang talab niiyan sa kanila. Kaya naman resulta, kahit walang ginagawa, napupuyat parin sila.

6. Nanonood ng telebisyon ng gabing-gabi. "Uy, klasmeyt, group study tayo sa inyo", ang kinalabasan ng nasabing "group study" ay naging "movie marathon ng magdamagan, bahala na si requirements at grado basta makapanood lang FROZEN II kasama ang huong seksyon para ang pagbagsak ay goals ng isang seksyon. Diba, ang galing lang, may double meaning pala ang salitang "group stuudy".

7. Stress. Sawa ka na ba dito? Tara, ipatulfo natin tong si stress, alam mo sumusubra na talaga 'to siya. Pigilan niyo 'ko, uupakan ko na talaga to. Ang hirap itulog kung stress ka sa paaralan, sa bahay, sa toxic na mga taong nakapaligid sa iyo. Palagi ka na lang 'di mapakali dahil sa kaiisip ng mga ito kaya naman anng resulta, puyat na naman.

                                 
MARAMI PA 'YAN. Kala niyo siguro maliit lang ang problema naming mga mag-aaral. MARAMI AT MALAKI, kaya naman kung nalilimos pa lang tulog, siguro nasa kalye na ako nanlimos ngayon, kabarkada ko na siguro 'yung mga bata sa mga kalye. Malala na kasi ang problema sa tulog ng mga mag-aaral ngayon dahil sa pabigat ng pabigat ng sistema ng pag-aaral.

Gayunpaman, nilalabanan parin natin ng mga ganitong bagay upang makapag-aral ng maayos. Hindi lang tulog ang kinakaharap na kaaway ng mga mag-aaral kundi marami pa, pero sa susunod ko na lang sasabihin dahil madaling araw na at hindi pa ako tapos sa mga iba pang blog. Ganito po ako kasipag at karesponsable na mag-aaral (crush, kung mabasa mo 'to, baka naman). Paalala lang na hindi nakakabuti ang walang tulog kaya sa oras na pwede kang matulog, tulog na kaibigan.

Ako po ay isang manunulat na magaaral, na nas STEM, na ate, na anak, na kaibigan.
Pahingi po ng tulog, please man.




Comments

Popular Posts