Perks ng pagiging isang Wallflower

Entry # 7

Wallflower ka ba? Kasi ikaw ang...hindi biro lang, hindi ito pick-up line kaya huwag kang maghintay na bumanat pa ako dito kasi gusto kong magpakilig pero nakakapagod baka ma-fall kayo habang nagbabasa.

Kung wallflower ka, siguro maiintindihan mo ang paksang ito na tatalakayin natin...huwag kang mag-alala kasi hindi ako magrereport dito na katulad ng nasa paaralan kasi alam ko na sawa ka na sa lugar na iyon. Kaya naman magsisimula na siguro ako baka mainip pa kayo at hindi niyo na basahin ito pero sanay naman din ako na mapag-iwanan at masa...sige na magsisimula na ako.

Ang isang wallflower ay isang salitang inahahalintulad sa taong introvert o palakimkim, hiwalay sa karamihan at kadalasan sa isang partido.
Sila ang mga taong tahimik at mahiyain ngunit nakalaan kapag napapaligiran ng maraming tao at malalaking personalidad. Sila ang mga taong hindi lang talaga alam kung ano ang sasabihin kung kaya't sila ang tinatawag na "awkward" ng lipunan.
Ang taong ito ay hahalo at magiging halos hindi nakikita ng iba. Mas pinipili nilang lumayo kesa makisali dahil mas gusto nilang mag obserba, at wala silang intensyon na maging sentro nang atraksyon.

Noong nag-aaral ako nang High School maituturing kong isa akong wallflower, pero noon hindi ko alam na isa pala akong wallflower kasi hindi ko pa alam kung ano ang wallflower noon.

Nung nalaman ko at narinig ko ang salitang ito akala ko inihahalintulad nila ako sa literal na bulaklak na nasa dingding. Maraming nagsasabi na mga boring, lonely at talagang magawa ang mga taong katulad ko pero maraming mga "perks" na pwede mong makuha sa pagiging isang wallflower.

1. Ang pagkakaroon nang abilidad na makita ang iba't ibang ugali ng mga taong nakapaligid sa iyo. May panahon ka para makapag-observe sa mga nangyayari dahil nakatuon ang iyong atensyon sa pangkalahatan na kapaligiran hindi katulas ng mga taong isa lang ang pinagtutuunan.

2. Nakikita nila ang totoong sarili nang isang tao dahil ang mga katulad ng wallflower ay marunong pumanisin kahit ang mga maliliit na detalye kaya naman may mas malalim silang pang-unawa at opinyon sa isang bagay.

3. Hindi sila nagkakaroon ng problema sa ibang tao o nagkakaroon ng away kasi hindi sila nakikisali sa mga gulo. Ang mga wallflower ay tahimik at mas pinipili nilang hindi mapansin ng ibang tao para kung magkamali sila ay walang sino ang makakapaghusha sa kanila at baka pagsimulan pa ng away.

4. Alam nila kung ano ang dapat sabihin at pinag-iisipan nila ang kanilang mga opinyon bago sambitin dahil kahit pa-imik at paminsan-minsan lang sila kung magsalita, may kaalaman sila sa pamamagitan ng pagpapamalas.

5. At pang huli maganda sila maging kaibigan kasi wala silang pili kung sino man ang kanilang kakaibiganin kung mabuti ka kang tao sa kanila at hindi sila nanghuhusga kaagad dahil nag-oobserba ang mga katulad nila.

Hindi masyadong palaimik ang mga taong wallflower dahil minsan wala lang talaga silang gana na makipag-usap dahil madali lang silang nauubusan ng enerhiya sa pakikipag-halubilo.
Pero kapag nasa komportableng posisyon siya na gusto niya ang tinatalakay niyo, maniwala ka, hindi ka niyan titigilan hanggang hindi siya nauubusan ng laway. Hindi ganoon ka rami ang kaibigan nila at kahit konti lang pinapahalagahan nila ang ang mga taong bumubuo nito.
Ikaw? Wallflower ka ba?

Comments

Popular Posts