Charot na Katotohanan


Source: Tumblr.com
Entry #10

Hoy, ang ganda mo ngayong araw na ito, charot.
Alam mo, may crush ako sa iyo, charot.


                                                         Source: memegenerator.net

Minsan biro lang kung gamitin ang salitang ito, pero paano kung totoo na. Hindi maipaliwanag
kung totoo nga ba o isang malaking "charot" lang ang sinasabi ng isang tao. Mahirap kung kailangan mo pang alamin kung ano nga ba ang tunay na kahulugan ng kanyang sinasabi lalo na kung walang kasiguraduhan. 'Yung tipong wala kang malay kung aasa ka pa pero wala pala kasi hindi mo naintindihan na sa simula palang "charot" lang pala ang lahat ng sinabi niya.

Sabi nila na ang "charot" daw ay isang ekspresiyon na kung saan ito ay ginagamit upang maging magaan ang usapan na sa palaro na paraan na ang layunin ay gawing biro ang isang seryosong pag-uusap. Importante ang ginagampanang papel ng salitang "charot" sa mga pag-uusap dahil ito ang pambasag ng awkwardness kung ikaw man ay may nasabing seryoso na kailangan mong gawin nalang biro para hindi halata na totoo pala ang sinabi mo.

'Yung may nabitawan kang salita na hindi mo dapat pwedeng sabihin pero nag-aalinlangan ka kung mag-iiba ka ba ng topic na pag-uusapan niyo o sasabihin mo nalang ang totoo. Dahil sa medyo awkward, hindi madaling umamin ng diretsahan kaya naman ang pangsanggang gamit ng mga tao para hindi halatang nagsasabi sila ng totoo at mabawaan ang seryosong paligid ay ang paggamit ng salitang "charot".

Narito ang mga halimbawa kung paano ginagamit sa iba't ibang sitwasyon ang charot na salita. Hindi mo alam kung ano ang mga kahulugan na nasa likod ng bawat chaot ng isang tao, kaya naman kailangan mo ng gabay sa pag-susuri.

1. "Hoy, sasagutin na kita".
    "Charot lang, sige hintay ka pa. Patient ka diba?"
-Yung gusto mo naang tumalon sa tuwa at ipaghiyawan na kayo na tapos pakipot yung nililigawan mo kaya naman ng-assume ka na agad na magiging kayo na talaga. Eh, baka biro lang 'yun sa kanya tapos pinaphintay ka lang niya pala sa wala. Ako pa sa'yo, linawin m kung ikaw lang ba talaga ang papaghintayin niya o meron siyang hinihintay at pampalipas oras ka lang pala.

2. "Gusto mo magpalibre?"
    "Char, bili ka ng sa'yo. Wala kang pera? Ako magpapakain sa'yo?"
-Ito 'yung kadalasan nating naririnig sa mga kaklase nating matakaw pero magpagbigay kapag good mood. Isa ito sa mga pinakamalaking scam  na naranasan ko kasi may ganito kaming kaklase, tipong gusto mo ng umoo pero sinabayan ng "char", it's so damn nakakawalang gana siyang kausapin. Kaya naman kayo, maraming scammer sa paligid natin kaya todo bantay ingat baka kaklase mo lang sila.

3. "Yaman mo na ah! Pautang naman ako!
    "Charot!"
-'Yung pala birong sinabi ng kasamahan mo na gusto siyang manghiram ng pera, pero hindi mo alam kung gipit ba talaga siya kasi may pinagdadaanan o trip lang talaga niya pagkatapos kakalimutan na agad niyang may utang pala siya sa'yo. Kung ako lang, tatanungin ko kung saan niya ba gagamitin ang pera total, mayaman ka naman at gusto mong makatulong kaya dapat ganito ang gagawin mo. Para malaman mo na hindi sa maling pagwawaldas lang ng pera mapupunta ang iyong ibinigay na pera.

4. "Wow namayat ka."
    "Makapag-diet nga din, charot lang."
-Isa rin po ito sa mga halimbawa ng scam kasi may kaklase rin po akong ganito, na nangakong magda-diet kaya palagi siyang pumupunta sa gym pero araw-araw rin siyang nasa Jollibee at PAALALA na umoorder pa po siya ng extra rice sa Mang Inasal. Minsan napapaisip nalang po ako kung susundin niya ba ang plano niyang mag-diet o hihintayin pa niya na magsawa siya sa pagkain. 

5. "Uy, nafa-fall na ako sa'yo".
    "Charot".
-Sa lahat ng paggagamitan ng salitang cahrot, ksunod pa talaga nito. 'Yung tipong gusto mo nalang tumalon ng tulay dahil sa sinabi niyang biro. It's so damn cute na gusto mo siyang sakalin 'yung ganun na pag-iisip. Kung pwede pa lang sabihin sa kanya na "Huwag mong chinacharot 'yung feelings ko kung ayaw mong masakal kita." Minsan gusto mo nalang talagang umamin dahil sa pagkamanhid niya kaso lang chumacharot-charot pa (iyak nalang tayo dali).
Source: Imgflip.com

Sa tuwing haharot ka tapos nakalimutan mong biro lang pala 'yun kasi ayaw mong ma-fall ka kaya, ginagamitan mo ng charot. Sa tuwig trip mong magbiro sa mga kaibigan mo kasi kalog ka o ikaw 'yung may topak sa inyo, gumagamit ka ng charot, diba? Sa mga panahon na di mo sinasadyang mabulgar ang isag tsismis na may kaklase pala kayong mag-on na tapos ikaw palang ang sinabihan nila, sinasabayan mo ng charot. Kasi ayaw mong malitikan sa mga kaklase mo. 

Maraming pwedeng paggamitan ng salitang ito, pero nga lang dalawahan ang kahulugang tinatangi ng salitang "charot". Ito man ay makatotohanan o isang biro lamang ay kailangan nating mintindihan kung ano ang ibig sabihin nito upang hindi magkaroon ng mga hindi pagkakaunawaan. Seryoso medyo ang manunulat niyo, charot.

Comments

Popular Posts