Series of Karupukan Events
Entry # 6
Marupok ka. Sabihin mo na. Huwag ka ng mahiya.
Oh,
akala ko ba naka-move on kana sa kanya?"
"Pa'no kasi, nag-chat siya ulit eh."
"Pa'no kasi, nag-chat siya ulit eh."
Marupok ka. Ilang beses mo na nga ba itong nasabi? Napunta ka na rin ba sa
sitwasyon na kung saan ikaw ay natawag na isang marupok? O alam mo ba kung ano
ang kahulugan ng salitang ito?
Isang linggo na walang ka-chat kasi siya lang ang gusto mong kausap. Isang linggo na walang ka-text o katawag dahil hindi mo alam kung may load ba siya o talagang sawa na siyang ikaw ay makausap. Isang linggo na walang paramdam na dahil sa pagka-inip ay pinili mong kalimutan nalang ang taong iyon at ang lahat ng pinag-usapan niyo.
Pero, ng bigla siyang nag-wave, bigla kang kinumusta at tinanong kung kumain ka na ba? Pagkatapos ng biglang paglaho at pagsasawalang-kibo sa loob ng isang linggo ng ka-chat mo, dalawang segundo lang tinagal, bago ka nakareply kaagad. Napakarupok mo naman talaga.
Nagsiliparan na ngayon sa social media ang mga pausong salita na mismong mga kabataan lang sa henerasyon natin ang gumawa. Katulad nalang ng salitang "sana ol", "beke nemen" at iba pa. Isa sa mga kabilang dito ay ang salitang marupok. Ang salitang "marupok" ay salitang ginawa upang maglarawan ng panggalan na kung saan ito ay nanganghulugang madaling mabasag o mahina.
Subalit dahil sa unti-unting pagbabago sa bokabolaryo ng henerasyon natin nabigyan ng bagong depinasyon ang salitang marupok na sa halip ay bagay lamang ang nilalarawang mahina ay tao na. Ang salitang marupok ay gingamit na upang mailarawan ang isang tao na mahina; mahina sa pagmamahal.
Mahina sa pagmamahal dahil naging sunod-sunuran nalang, na sa halip na patawarin mo ang pagkakamaling nagawa niya, ay kinonsinte mo naman kasi nga rason mo "mahal ko siya", kaibigan karupukan iyan. Kung nasa mali siya, kailangan niyang pag-isipan kung ano ang nagawa niyang mali para makunan niya ng leksyon ang pagkakamaling ginawa niya.
Mahina sa pagmamahal dahil sa nakita mo lang na may kasamang iba ang taong gusto mo at dahil sa kadramahan mo ay nakapagdesisyon ka na layuan nalang siya dahil sa inggit at selos na napagtanungan mo ang sarili mo kung ano ba ang rason ng kinakagalit mo kung, wala namang kayo.
Ginusto mong palitan nalang siya ng bago sa listahan ng mga crush mo sa taong ito, pero sa mga pa simpleng "Hi. Kumusta ka na", "Hoy, sabay tayo uwi mamaya" niy, ay agad mong nalimutan ang desisyon mo kanina lang na lalayuan mo na siya. Isa na namang karupukan kaibigan.
Mahina sa pagmamahal dahil sa binigyan ka lang ng atensyon, gusto mo na agad. Nilibre ka lang ng FROZEN II sa sinehan, crush mo na agad. Nilandi ka lang ng maliit tapos pinatulan mo kaunti, na-fall ka na agad. Ibang level na naman iyan ng karupukan. Hinay hinay naman sa pinipili nating kinahuhulugan baka tayo lang ang umaasa na sasaluin tayo tapos wala naman pala talagang intensyon 'yung tao na pahulugin ka.
Mahina sa pagmamahal dahil sa gustong-gusto mo siya na palagi mong kasama na wala ka ng ibang naiisip kundi siya. Sa pagtulog, sa paghuhugas ng pinggan, sa pagligo at kahit pagpapakain ng pusa niyo na palagi mo siyang naaalala na nagmimistulang kamukha na niya ang pusa niyo dahil lagi siyang tumatakbo sa isip mo. Panawagan para kay Kupido, paki sabi na ihinto na ang paglalaro ng PAnaPAna at palitan na naman ang bago niyang pupuntiryahin kasi nakakabagot na kung puro nalang ikaw parati.
Maraming marupok na tao, ngunit hindi nila kasalanan na madali silang ma-fall, madali lang silang kiligin, madali lang silang magkagusto. Iba-iba pa rin naman tayo pero DAHAN-DAHAN lang naman sa pagkahulog. Alamin mo muna kung may puwang pa ba ang iyong sarili sa lugar niya kasi kung wala, kunin mo nalang iyon bilang isang senyales na huminto kana sa pagiging marupok sa kanya. Doon ka naman sa iba.
Huwag mong sasaktan ang sarili mo para lang sa taong gusto mo dahil gusto mo lang ang taong iyon, dadating din ang taong mahal mo na magmamahal sa iyo. Sa ngayon ipunin mo muna ang pagmamahal na iyan at ibigay mo sa sarili mo, sa kaibigan at sa pamilya mo pero huwag mong kakalimutan na magtira ng konti para sa taong nakalaan para sa iyo.
Marupok ka pero malakas ang kapit ng pananalig na mayroong totoong pagmamahal. Marupok ka pero matatag sa mga pagsubok. Marupok ka pero kinakaya mo ang buhay na single at kasal sa academics. Marupok ka, at kahit wala kang jowa sa mga panahong ito, huwag mag-alala may listahan ng crush na lahi mong maaasahan.

Comments
Post a Comment